Hardcore is a site that you can share and you can learn..
 
HomeFAQCalendarFAQSearchMemberlistRegisterLog in
Welcome to Hardcore community zone Enjoy Smile

Share | 
 

 Kung Nurse ka sa PILIPINAS makakarelate ka dito

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
avatar
xtrojan

Hardcore G-MOD

Posts : 49
Join date : 21/02/2012

PostSubject: Kung Nurse ka sa PILIPINAS makakarelate ka dito   Wed Feb 22, 2012 11:12 pm

[You must be registered and logged in to see this image.]


share q lng

Kung Nurse ka sa PILIPINAS makakarelate ka dito:


Tinanong ako ng nursing student “Sir, san po ko pwede kumuha ng URINAL?”

Heto ang sagot ko:

Ay iha, wala ka sa private hospital..hanap ka na lang ng empty IV plastic bottle, cut it, make sure walang sharp edges, dun mo na lang paihiin patient mo. Ganun na rin gawin mo kung nagsusuka patient mo at kelangan mo ng EMESIS BASIN!

Mag bibigay ka ng IV meds at walang AMPULE BREAKER? Mahirap buksan ang gamot, gamitin mo yung BANDAGE SCISSORS mo. Lagarihin mo ng konti yung neck ng ampule hehe , sigurado MAS MADALI NG BUKSAN YUN .

Nag-SUSUCTION ka kay tatang pero KINAKAGAT nya yung suction catheter? Kuha ka ng syringe alisin mo needle and plunger, ibalot mo sa gauze ‘yun at ipakagat mo sa kanya para madali mo sya masuction, wag mo lang kalimutang alisin after, kesa naman magpabili kapa ng BITE BLOCK, wala na nga sila pera.”

Mag baBlood Transfusion ka….kelangan mo ng COMPRESSOR dahil ayaw na tumulo?….AY WAG KA NA MAGHANAP NG WALA!!..Gumamit ka ng BP CUFF..

Kelangan mo icover ang IVF bottle kasi may halong gamot na sensitive sa light? TAKPAN MO YUNG BOTTLE AND TUBES NG CARBON PAPER..

Walang Hot Water Bag and Ice pack? Gumamit ka ng GLOVES…speaking of gloves…MINSAN ino-AUTOCLAVE ito para pwedeng gamitin ulet…pwede pa yan HANGGA’T HINDI NABUBUTAS!!!

Ngayon, kung kelangan mo naman FACE MASK para sa Nebulizer ng Pedia patient mo, dahil walang supply at wala silang pambili eh KUMUHA KA NG CLEAN BOND PAPER, SHAPE IT INTO CONE AND YUN I ATTACH MO sa KIT USING TAPE..OR YUNG IBANG NURSES THEY USE STYRO CUPS mas durable nga naman!! hehe..

Ang daming ADMISSION kulang ng OXYGEN TANK..gagawin ng HEAD NURSE KO iiSPLIT NILA ANG MAIN TUBE TAPOS IKAKABIT ANG NASAL CANNULA NG DALAWANG PATIENT..eh ‘di ang daming nakagamit!

Wala ng IV stand??.. ang sabi sa akin..”KUMUHA KA NG ALAMBRE.. (SO ANONG GAGAWIN KO PAKAMATAY NA KO???wahahahaha..Hindi!) SABIT MO SA CEILING MAKE SURE SECURED, DUN MO I HOOK YUNG IV BOTTLE!! So ginawa ko nga at napadasal ako….”Lord wag naman sana umabot sa punto na pati KAMA kelangan ko iimprovise..hmmm sige may WHEEL CHAIR pa naman, ‘nalang MUNA siguro kung may magkaka sakit pa…

During Code Blue..Nasan na ang CARDIAC BOARD???!!!! Ok wait.. oh eto na.. eto na…….whoa PLYWOOD??!!!San mo nakuha yan??? ‘Dun sa may bintana!!!…..or kung pedia ang patient abay BAKLASIN ang kahoy sa BEDSIDE TABLE!…na rerevive din naman ang pasyente..

Ngayon, wala silang pambayad sa MECHANICAL VENTILATOR…ay syempre hindi na kaya ng powers namen mag improvise nun!!! Kaya buong araw mag “aAMBU BAG” (BVM) ang watcher ng patient, salitan sila ng kasama nya, eh pano kung wala, SUPER NURSE to the rescue.. “AY SIR… AKO na muna dyan kahit isang oras lang, kumain na muna kayo at magpahinga”. ‘Yun nga lang nagsign ng HAMA ang relatives kasi wala na talaga silang panggastos kahit Charity patient Class D….Ang hirap talaga ng buhay.

Ilan lang po ito sa mga scenario sa hospital,BAKA NGA SA ORTHOPEDIC DEPARTMENT NG HOSPITAL NAG IIMPROVISE DIN SILA NG MGA TRACTIONS!!!!…sabi nga ng NURSE SUPERVISOR namen..”NASA GOVERNMENT HOSPITAL KAYO KUNG MAGPAPAKA IDEAL KAYO..HINDI NYO MABUBUHAY ANG MGA PASYENTE NYO”…Tama, wag na maghanap ng wala, wag na magreklamo, gumawa ka na lang ng paraan para sa mga pasyente mo, dakilang mga nurses!

Kung sasagot ka sa Board Exam or nasa Sosyal na Private Hospital ka…TAMA lang maging “IDEAL”.. SUNDIN MO LAHAT NG NASA LIBRO. Pero kung NASA MAHIRAP NA HOSPITAL KA AT NAGAALAGA NG MAHIRAP NA PASYENTE….TAMANG DISKARTE LANG… DAHIL HINDI LAHAT TINURO NI KOZIER.


Last edited by xtrojan on Wed Feb 22, 2012 11:13 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : picture edit)
Back to top Go down
 

Kung Nurse ka sa PILIPINAS makakarelate ka dito

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Hardcore Tambayan Zone :: Entertainment :: Chit-chat :: Health-
Free forum | © phpBB | Free forum support | Contact | Report an abuse | www.sosblogs.com